Protest caravan ikinasa ng PISTON
MANILA, Philippines - Ikinasa ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang isang malakihan at malawakang sabay sabay na protest caravan bukas, araw ng Lunes.
Sinabi ni Piston President Goerge San Mateo, ang kanilang pagkilos ay lalahukan ng mga driver at opeÂrators ng jeep at UV Express dala ang kanilang mga pampasaherong sasakyan bago sila tutungo sa tanggapan ng DOTC sa Ortigas Avenue, Mandaluyong City para magsagawa ng protesta doon at saka tutungo sa tanggapan ng Big 3 Oil Companies.
Ayon kay San Mateo, ganap na alas-8:00 ng umaga sa Lunes hanggang alas-9:00 ay magtitipon tipon muna sila sa harap ng gusali ng National Housing Authority (NHA) sa Quezon City Elliptical Circle bago ang sabay sabay na pagkilos.
Aniya, kasabay nilang magsasagawa ng kilos-protesta ang mga member chapters at kaalyado ng PISTON sa Baguio City, Laguna, Albay, Bacolod City, Iloilo City at Cagayan De Oro City at iba pang lalawigan sa bansa.
Binigyang diin ni San Mateo na layunin ng kanilang protesta ay upang kalampagin ang administrasyong Aquino gayundin ang tanggapan ng malalaking kumpanya ng langis hinggil sa tatlong taong samu’t saring pahirap na nararanasan ng mga driver dahil sa overpriÂcing ng oil products, profiteering at price-manipulation na ginagawa umano ng Big 3 Oil Companies at ng pamahalaan partikular ng Department of Energy.
Kinondena din ni San Mateo ang aniya’y palagiang pagtaas ng halaga ng petroleum products na umaabot ng hanggang P1.00 at kapag nagbaba naman ng halaga nito ay aabutin lamang ng 30 sentimos hanggang 50 sentimos na malaki pa din ang kita ng mga kumpanya ng langis.
- Latest