MANILA, Philippines - Isang online chatting company sa Cabanatuan City ang humiling ng imbestigasyon kay Philippine National Police (PNP) chief, Director General Alan Purisima matapos na holdaÂpin ng tatlong kalalakihan na nagpakilalang mga miÂyembro ng Anti-Cybercrime Group (ACG) ng CriÂminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Ayon sa reklamo ng kumÂpanyang One Circle Business Process OutsourÂcing Company, na noong nakalipas na Biyernes nang salakayin sila ng tatlong armadong lalaki na nagpakilalang operatiba ng PNP-CIDG-ACG at inakusahan ang mga online chatters na nagsa-cybersex kaya isa-isang silang dinampot at kinumpiska ang hindi kukulangin sa 100 units ng personal computer.
Ayon sa human resource manager na si Shane Ferrer na hindi dumaan sa kanyang tanggapan ang mga armadong lalaki, para ipagpaalam na dadamputin nila ang mga online chatter.
Hindi rin masampahan sa piskalya ng kaso ang 12 online chatting agents na binitbit dahil walang makitang paglabag sa RA 8484, at walang maiharap na ebidensiya ang mga opeÂratiba ng CIDG.
Ayon naman sa isang alyas Marc, opisyal din ng One Cricle, kinakausap umano sila ng mga nagÂpakilalang CIDG operaÂtives na kukunin na lang nila ang mga agent maging ang 100 units ng personal computer at sila na umano
ang mag-o-operate ng online chatting.
Inamin ng isang FloÂrendo Holgado, PresiÂdent and Chief OperaÂting Officer (COO) ng One Circle, mahihirapan na silang makapagbukas muli ng online chatting, dahil pinag-iinitan sila ng mga nagpaÂkilalang CIDG.