^

Police Metro

SC Justice pinai-inhibit ng lady solon sa kaso ng anak

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mag-inhibit sa paghawak sa electoral protest si Supreme Court Associate Justice Presbitero Velasco dahil ang anak nito ang nasasangkot at  nasa House of Rep­resentatives Electoral Tribunal o HRET na ang kaso.

Ito ang apela ni Marinduque Rep. Gina Reyes kay Velasco na tumatayong chairman ng HRET at ama ng nakatunggali nito sa katatapos na May 13 elections na si dating Rep. Marinduque Lord Allan Velasco.

Pinangangambahan ni Reyes, na hindi maging patas si Justice Velasco sa paghawak sa kaso lalo na’t anak nito ang nasasangkot sa usapin.

Kaya’t umaasa ang mambabatas sa 6 na magiging kinatawan ng Kamara sa HRET upang makakuha ng patas na pagtrato sa kaso.

Magugunita na nag-ugat ang kaso matapos maghain ng disqualification case ang isang Joseph Socorro Tan laban kay Reyes dahil sa umano’y pagiging isang American citizen, na mariin naman nitong itinanggi at nagpapatunay ang hawak niyang lahat ng ebidensiya na nagpapatunay na siya ay isang natural born citizen, na ang mga magulang niya ay parehong Filipino at nirenunsiyo niya ang kanyang foreign citizenship nung Sept. 21, 2012.

ELECTORAL TRIBUNAL

GINA REYES

HOUSE OF REP

JOSEPH SOCORRO TAN

JUSTICE VELASCO

MARINDUQUE LORD ALLAN VELASCO

MARINDUQUE REP

REYES

SUPREME COURT ASSOCIATE JUSTICE PRESBITERO VELASCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with