MANILA, Philippines - Makaraang matukoy ng mga divers ng Philippine Coast Guard (PCG) na sa “pipeline†ng Petron Corporation nagmula ang diesel na kumalat sa karagatan ng bayan ng Rosario, Cavite ay agad itong inako ng kumpanya.
Sa pahayag ni Petron president Lubin Nepomuceno, humihingi ito ng dispensa sa naganap na pagtagas at tiniyak na gagawin ang lahat upang masolusyunan ang mga problemang idiÂnulot nito.
Una nang iginiit ng kumpanya na hindi sa kanilang “pipeline†nangÂgaling ang tagas makaraang matiyak umano ang integridad nito.
Ngunit nagbago ito nang matukoy ng PCG ang bahagi ng pipeline na pinagmumulan ng tagas.