Kelot tigok sa 10 tama ng bala

MANILA, Philippines - Sampung tama ng bala ang bumaon sa katawan ng isang lalaki at agad na nasawi makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Quezon City, ka­hapon ng umaga.

Ang biktima ay isinala­rawan sa edad na 25-30, moreno, may kapayatan ang pangangatawan, naka­suot ng kulay green na sweatshirt, brown na short pants at bull cap na kulay itim at puti.

Sa ulat ni SPO1 Cristi­tuto Zaldarriaga, may-ha­wak ng kaso, nangyari ang insi­dente sa Commonwealth Avenue, Brgy. Holy Spirit, ganap na alas- 4:30 ng madaling-araw.

Ayon kay Zaldarriaga, isang saksing guwardiya na si Bong Julvie na nasa loob ng showroom ng Ford Corporation at nagbabantay nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril mula sa labas.

Dahil doon, ipinasya ni­yang sumilip sa glass pa­nel at kanyang nakita ang biktima na duguang na­ka­handusay sa kalye kaya agad siyang tumawag sa him­pilan ng pulisya.

Show comments