^

Police Metro

DOJ prosecutor inaresto sa entrapment

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment ope­ration sa isang  establisimyento sa Quezon City ang isang prosecutor ng Department of Justice (DOJ) matapos na isumbong ng  mga miyembro ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA).

Ang suspek ay kinilalang si Assistant State Prosecutor Diosdado Solidum Jr., makaraang ireklamo ng PALEA  kaugnay ng diumano’y paghingi ng huli ng malaking halaga kapalit ng pagbasura sa kanilang kaso.

Nabatid na nakabin­bin sa DOJ ang inihaing petition for review ng mahigit 200 PALEA members na nauna nang inirekomendang masampahan ng kasong paglabag sa Civil Aviation Authority Act of 2008 ng Pasay City Prosecutors Office.
Ang mga PALEA members na nagpoprotesta sa pagkakatanggal nila sa trabaho ay nahaharap sa paglabag sa section 81 na nagbabawal sa sinuman sa pagwasak o pagdulot ng pinsala sa alinmang pasilidad o serbisyo ng paliparan.

Nabatid pa na naka­takdang sumalang si Solidum sa inquest proceedings sa Ombudsman.

Sinabi naman ni Justice Secretary Leila de Lima na hindi siya titigil sa kampanya kontra sa mga scalawag sa hanay ng DOJ lalo’t prayoridad niya ang zero corruption sa kagawaran.

ASSISTANT STATE PROSECUTOR DIOSDADO SOLIDUM JR.

CIVIL AVIATION AUTHORITY ACT

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUSTICE SECRETARY LEILA

NABATID

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASAY CITY PROSECUTORS OFFICE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with