^

Police Metro

Feeding bottles sa Divisoria may lason

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines -Ibinunyag kahapon ng environmentalist group na  EcoWaste Coalition na may taglay na lason ang mga ibinibentang feeding bottles sa mga tindahan sa Divisoria.

Kaya’t kanilang pi­nag-iingat ang publi­ko laluna ang mga ina na nagpapasuso sa bote na tiyaking ligtas sa anumang panganib ang mga anak at huwag tatangkilin na bilhin ang mga mumurahing feeding bottles.

Batay sa pananaliksik ng grupo na may ilang mumurahing feeding bottles ang ginamitan ng lead sa paglalagay ng makukulay na disenyo na ipinagbibili sa discount stores sa Divisoria sa halagang P15 hanggang P25 lamang bawat isa na pawang gawang China at may tatak na “Baby Plastic Bottle & Nipple.”

Natukoy na may lason ang mga nasabing produkto matapos na suriin gamit ang isang handheld X-Ray Fluorescence (XRF) spectrometer, na isang device na maaa­ring tumukoy sa dami ng toxic metals sa consumer products.

Nagtataglay umano ang mga ito ng lead  mula 536 parts per million (ppm) hanggang 1,023 ppm, at  traces ng arsenic at chromium na mataas din ang antas.

Ang lead ay isang potent neurotoxin o toxicant  na nakaaapekto sa developing brain at central nervous system ng isang bata.

Bukod umano sa lead mayroon ding taglay na bisphenol A, phthalates  at iba  pang mapanganib na sangkap na masama sa kalusugan ng sanggol, partikular na sa kanyang utak at katawan.

 

BABY PLASTIC BOTTLE

BATAY

BUKOD

DIVISORIA

IBINUNYAG

KAYA

X-RAY FLUORESCENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with