^

Police Metro

Laman-loob tinanggal din… Pugot ang ulo, Putol ang ari

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Karumaldumal na kamatayan ang nangyari sa isang lalaki na umano ay may diperensiya sa pag-iisip na matapos pugutan ng ulo ng isang adik na kanyang nakabangga sa daan ay tinanggalan pa ito ng kanyang ari at inalisan ng laman-loob naganap sa Malungon, Sarangani.

Kinilala ni Chief Ins­pector Lurobe Rojo, hepe ng Malungon ang biktima na si Gary Natural, ang edad ay nasa pagitan ng 32-35, residente ng Sitio Sto. Niño, Brgy. Poblacion ng bayang ito.

Nabatid sa ulat, bandang alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na wa­lang ulo sa may sapa sa Sitio Pangan nitong nakalipas na Sabado.

Kinilala naman ng isang Luciano Natural na anak niya ang nasabing bangkay dahil sa disenyong tattoo ng gagamba sa dibdib.

Sinabi ni Rojo na ma­tindi umano ang galit ng suspek na tumanggi muna nitong tukuyin ang pangalan dahilan baka mabulilyaso ang dragnet operations laban dito.

Patuloy ang imbestigasyon kung  may posibi­lidad na drug addict ang suspek dahilan sa brutal na pagpaslang sa biktima at lahat din ng anggulo ay masusing sinisilip ng mga otoridad sa motibo ng krimen.

vuukle comment

CHIEF INS

GARY NATURAL

KINILALA

LUCIANO NATURAL

LUROBE ROJO

MALUNGON

SITIO PANGAN

SITIO STO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with