6-anyos dedo sa ligaw na bala

MANILA, Philippines - Dedo ang isang batang babae makaraang tamaan ng ligaw bala sa isang insidente ng pamamaril sa Taguig City kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat na ipinadala ng Southern Police District (SPD), nakilala ang biktima na si Kim Aquino, anim na taong gulang, residente ng Samama Road, Brgy. Napindan, ng naturang lungsod.

Isang alyas Boy Pagkalinawan ang itinuturong nakabaril sa biktima ngu­nit bigo na maaresto ng pulisya ng Taguig.  Isinugod sa Rizal Medical Center sa Pasig City ang bata ngunit hindi na umabot ng buhay.

Nabatid na tinamaan ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa dibdib ang paslit dakong alas-10:00 ng umaga sa Samama Road.

Ayon kay PO1 Arlene Monaya ng Police Community Precinct ng Na­pin­dan Road, tinamaan ng ligaw na bala ang bata nang mamaril ang suspek na si Pagkalinawan.

Show comments