Brgy. Kagawad na may sakit at walang pera, nagbigti
MANILA, Philippines -Marahil sa sobrang depresyon na nararanasan dahil sa sakit na diabetes at kawalan ng pera ang umano’y dahilan nang pagbibigti ng isang barangay kagawad ng Brgy. Salvacion, Quezon City.
Ang biktima ay nakiÂlalang si Oscar Santos, 58, tubong Maynila at resiÂdente ng #169 Baco, La Loma, Brgy. Salvacion, sa lungsod.
Sa salaysay ng misis ng biktima na si Emma Santos, bago ang pagpapakamatay ng asawa ay umalis siya ng bahay para sunduin ang kanilang anak sa eskwela.
Pagdating ng ginang dakong alas-8:00 ng umaga ay tumambad sa kaniya ang wala ng buhay na kaÂtawan ng mister na naÂkabitin sa hamba ng bahay gamit ang isang piraso ng tela na ipinalupot sa leeg nito.
Humingi ng tulong sa kapitbahay upang maiÂbaba ang biktima at saka itinakbo sa Chinese Hospital kung saan idineklara na ring patay ganap na alas-8:40 ng umaga.
Naglabas ng waiver ang misis na nagsasabing kumbinsido siya na nagpaÂkamatay ang asawa hinggil na rin sa matagal ng iniindang sakit na diabetes at kakulangan sa pera.
- Latest