Killer naaresto dahil sa walang helmet

MANILA, Philippines -Kung hindi pa nahuli sa paglabag ng hindi pagsusuot ng helmet at walang plakang  motorsiklo ay hindi matutuklasan ang isang lalaki na ito pala ang pumatay sa isang estudyante sa Pasig City.

Ang suspek ay kinilalang si Michael delos Santos, 21, residente ng Saint Anthony,Valley Golf, Cainta, Rizal na kinasuhan ng robbery with homicide da­hil sa pagnanakaw at pagpatay sa biktmang si Ranilo Raymundo, 18, estudyante ng University
of Asia and the Pacific, sa loob ng kanyang bahay sa Phase 10,  Parkwood Village, Barangay Maybunga, Pasig City noong Hulyo 21.

Batay sa ulat, nadakip si Delos Santos sa isang operasyon dakong alas-7:30 ng gabi nang sitahin ito sa  pagdaan sa  Eliseo Road, Barangay San Joaquin na walang helmet at walang plaka ang gamit nitong motorsiklo.

Habang isinasailalim sa interogasyon ay dito nila nadiskubre na isa ito sa mga suspek sa pagnanakaw at pagpatay kay Raymundo.

Una nang naaresto ng mga pulis si Rodolfo San Agustin, 22, ng Greenwoods, Cainta, Rizal, na sinasabing nakipagsabwatan kay Delos Santos sa pagpatay sa kanyang pinsang si Raymundo sa loob mismo ng bahay  nito noong July 21, dakong alas-5:32 ng umaga.

 

Show comments