Kotse nahulog sa creek: Trader utas

MANILA, Philippines - Utas ang isang negos­yante matapos maipit sa loob ng kanyang kotse makaraang mahulog sa isang creek sa Brgy. Biluso Silang Cavite, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ronaldo Ambulo, 36, residente ng #209 Brgy. Tubuan 2 Silang Cavite.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Nelvin Trajico may hawak ng kaso,  ganap na ala- 1:45 ng hapon ng maganap ang aksidente.

Minamaneho ng biktima ang kanyang kotse na Honda Civic na may plate number ULJ-999 at mawalan ng control sa manibela hanggang sa bumulusok ito sa creek.

Sinasabing nakainom din ng alak ang negosyante at posibleng sa labis na kalasi­ngan nito kaya naaksidente.

Show comments