Sales lady bumigay sa laban ng buhay nagpakamatay

MANILA, Philippines - “I give up”…

Ito ang iniwang suicide note ng isang 21-anyos na saleslady na natagpuang nakabigti sa inuupahang silid ng isang apartment kamakalawa ng gabi sa Sta.Mesa, Maynila.

Ang biktima ay kinilalang si Marivic Lumin­das, dalaga, namamasukan sa Market Place at tubong Butuan City at residente ng Unit 410 Room 1 ng 4016 Homerson Building, Bataan Ex­ten­sion, Bagong Bayan, Bacood, Sta. Mesa, Maynila.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9:00 ng gabi nang madiskubre ng kanyang nobyong
si Roien Pepe, 30, tubong Lamian Suralla, South Cota­bato ang nakabigting nobya na gumamit ng electrical cord.

Sa salaysay ni Pepe, kinatok niya ang silid ng nobya, subalit hindi ito sumasagot kaya’t pinuwersa niyang  buksan ang pinto at tumambad ang nakabigting nobya na huling nakitang buhay dakong alas-11:00 ng umaga.

Sa silid ng biktima ay nakita ang isang Manila paper na puno ng larawan ng biktima at ang kata­gang nakasulat na hindi na niya kayang ma­bu­hay.

Show comments