^

Police Metro

Ex-Solon inaresto sa libelo

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga pulis ang isang dating kongresista matapos isyuhan ng dalawang warrant of arrest sa kasong libelo sa Zabarte Road, Barangay Kaligayahan, Novaliches, Quezon City.

Nasa loob ng kanyang puting Toyota Hi-Ace van may plakang numero 8 si dating Senior Citizen partylist representative Godofredo V. Arquiza nang arestuhin ng mga miyembro ng Quezon City Police District warrant section nitong Lunes sa bisa ng dalawang warrant of arrest na inisyu ni Batangas City regional trial court branch 2 Judge Maria Cecilia Chua.

Bagamat hindi maaaring ihabla si Arquiza sanhi ng kanyang privilege speech noong Mayo 30, 2011, labag sa batas ang ginawa ng dating kongresista nang ilabas sa bulwagan ng Kongreso ang kanyang talumpati at iprinisinta sa Batangas City RTC branch 8.

Sa nasabing talumpati, inakusahan ni Arquiza ang mga kasamahan sa Senior Citizens partylist na sina Francisco Datol Jr. at  Plut Vazquez at ang mga abogadong sina Attys. Romeo Manalo at George Garcia na pagtatayo ng isang sindikatong kriminal sa Comelec.

Dumaan sa tatlong hukom ang kaso bago naisyuhan ng warrant of arrests si Arquiza na dinala sa QCPD headquarters sa Camp Karingal bago nakapagpiyansa.

ARQUIZA

BARANGAY KALIGAYAHAN

BATANGAS CITY

CAMP KARINGAL

FRANCISCO DATOL JR.

GEORGE GARCIA

GODOFREDO V

JUDGE MARIA CECILIA CHUA

PLUT VAZQUEZ

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with