Tanod todas sa ligaw na bala

MANILA, Philippines - Isang 50-anyos na barangay tanod ang nasawi sa ospital nang tamaan ng ligaw ng bala habang nakaupo sa tapat ng kanilang headquarters kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinila­lang si Carlito Reyes, tanod ng Brgy. 144, Zone 12 at resi­dente ng no. 311 Patria St., Balut, Tondo, May­nila, dahil sa tama ng bala sa ulo malapit sa tenga.

Hindi pa nakikilala ang mga suspek na sangkot sa rambulan ng kaaway na gang.

Batay sa ulat, dakong alas-9:45 ng gabi ay nagka­roon ng rambulan ang dalawang magkaaway na grupo sa tapat mismo ng brgy. headquarters sa panulukan ng Rodriguez at Patria Sts., Balut, Tondo.

Itinuturong sangkot sa gulo ang isang Gener de Guzman na nagsimula umano ng away sa isa pang grupo, batay sa salaysay ng isang Dominador Firmano na kasama ng biktima na naka-duty.

Naglabas umano ng baril ang kalabang grupo ng kabataan na kalaban ni De Guzman, subalit tumakbo ito sa barangay headquarters at hinabol ng mga kalaban at nagpaputok na kung saan tinamaan ang biktima.

Show comments