Pulis, trader dinakip sa shabu

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga elemento ng Philippine  Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang aktibong pulis at negosyante sa naganap na buy bust operation sa Oriental Mindoro.

Ang dalawang suspek ay kinilalang sina SPO2 Gaudencio Callo alyas Ding, 31, PCP 1- Commander ng Barangay Pinagsabangan, Naujan, at residente ng Sitio Amoguis, Brgy. Barce­naga at negosyanteng si Lauro Gumapac alyas Ari, 36 ng Poblacion 1, Vic­toria, ng na­sabing la­­lawigan.

Batay sa ulat, isang miyembro ng PDEA 4B ang umaktong poseur buyer at nakipag-transak­siyon kay Callo at Gumapac para bumili ng isang sachet ng shabu.

Nang iniaabot na ang drugs sa nagpanggap na buyer ay agad na pinosasan ng mga otoridad ang dalawang suspek.

Nakumpiska sa 2 suspek ang tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na may bigat na 5 gramo, 2 piraso ng P500 peso-bills gamit bilang  marked money at 3 mobile phones.

Show comments