MANILA, Philippines -Madalas umanong ginagamit ang mga shopping malls sa pagbebenta at pagpapadala ng mga ilegal na droga sa bansa.
Ito ang inihayag ni PhiÂlippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., bunsod ng walang humpay na entrapment operations kung saan nasawata ang mga pinaghinalaang pushers habang nagbebenta ng shabu sa loob ng mall tulad sa food court, parÂking area, at comfort room.
Ayon kay Cacdac, ginagawa ng mga drug pushers ang iligal nilang transaksyon sa mga malls sa paniwalang wala sa kaÂnilang magtatangkang umaresto, bunga ng mahigpit na pagpapatupad dito hingil sa pagbabawal ng pagdadala ng armas.
Dapat anyang magsilbing “eye opener†sa lahat ng security agencies na may hawak sa mga shopping malls ang nangyayaÂring iligal na transaksyon at higpitan ng mga malls ang kanilang seguridad gaya ng pagtatalaga ng mga drug-sniffing dogs at gun searches upang mabilis na matukoy ang mga taong responsible .