^

Police Metro

Shopping malls ginagawang drug deal

Ricky T. Tulipat, Jam Krisette Nuñez - Pang-masa

MANILA, Philippines -Madalas umanong ginagamit ang mga shopping malls sa pagbebenta at pagpapadala ng mga ilegal na droga sa bansa.

Ito ang inihayag ni Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., bunsod ng walang humpay na entrapment operations kung saan nasawata ang mga pinaghinalaang pushers habang nagbebenta ng shabu sa loob ng mall tulad sa food court, par­king area, at comfort room.

Ayon kay Cacdac, ginagawa ng mga drug pushers ang iligal nilang transaksyon sa mga malls sa paniwalang wala sa ka­nilang magtatangkang umaresto, bunga ng mahigpit na pagpapatupad dito hingil sa pagbabawal ng pagdadala ng armas.

Dapat anyang magsilbing “eye opener” sa lahat ng security agencies na may hawak sa mga shopping malls ang nangyaya­ring iligal na transaksyon at higpitan ng mga malls ang kanilang seguridad gaya ng pagtatalaga ng mga drug-sniffing dogs at gun searches upang mabilis na matukoy ang mga taong responsible .

 

AYON

CACDAC

DAPAT

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

MADALAS

MALLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with