Estibador pinatay ng pinsan
MANILA, Philippines - Isang 31-anyos na estibador ang nasawi makaraang barilin ng kaniyang pinsan na nag-abang sa kaniya sa labas ng bahay nito sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Ruel Gomba, residente ng Squatters Colony, Road 10, Vitas, Tondo, Maynila.
Agad naman tumaÂkas ang suspek na si Ivy Gomba, pinsan ng biktima, 24, vendor at residente rin ng nabanggit na lugar.
Sa ulat ni PO3 Jupiter Tajonera ng Manila Police District-Homicide Section, ganap na alas-5:00 ng umaga ng barilin ang biktima sa tapat ng kanyang bahay.
Sa imbestigasyon, sinasabing naunang nag-away ang misis ng biktima at misis ng suspek.
“Nagtalo ang kanilang mga misis dahil sa pagtatapon ng basura na nauwi sa pagsasakitan hanggang sa silang apat na ang magtalo-talo na naawat din at nagkaayos,†ani Tajonera.
Hindi akalain ng mga kamag-anak ng biktima at suspek na ang nasabing away ay mauuwi pa sa patayan dahil pinag-ayos na sila.
Nagsasagawa ngayon ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang tumakas na suspek.
- Latest