MANILA, Philippines - Sa nakalipas na July 9 hanggang 12 ay nagkaroon ng iba’t ibang aktibidades ang inihanda sa pagdiriwang ng Manila Broadcasting Company ng ika-74 anibersaryo ng DZRH sa July 15.
Ngayong araw ang socio-civic arm ng DZRH na Operation Tulong ay magkakaroon ng isang three-pronged health program na gaganapin sa Star City.
Sa July 14 ng umaga ay gaganapin ang Manila Bay Clean-Up Run at mahigit sa 4,500 runners ang lalahok at alas-6:00 ng gabi ay gaganapin sa Star City ang “Kambyo Kings Day,†kung saan may sticketing at magdamagang videoke ng mga tsuper ng pampublikong sasakyan hanggang alas-4:00 ng umaga.
At sa July 15, na siyang mismong anibersaryo ng DZRH ay magkakaroon ng malaking handaan, na inaasahang dadaluhan ng mga opisyales ng pamahalaan bilang bisita sa mga palatuntunan nina Joe Taruc, Deo Macalma at Neil Ocampo.