^

Police Metro

Isa sa 2 salvage victim, nabuhay... nagkunwaring patay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa sa dalawang bikti­ma ng summary execution ang nabuhay nang siya ay magkunwaring patay habang ang kanyang kasama ay hindi nakaligtas nang sila ay pagbabarilin at itapon sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Jayson Mellones, 19-anyos, vendor at residente ng  #240 C Rod­riguez St., Balut, Tondo, nagpatay-patayan umano siya nang sila ay barilin pero nang umalis na ang mga sumalvage sa kanila ay saka siya tumayo at hu­mingi ng tulong para ma­isugod sa pagamutan.

Kasalukuyang ginagamot ngayon sa  Gat Andres Bonifacio Memorial Me­dical Center si Mellones dahil sa tinamong 3 tama ng saksak sa likod, isang daplis na tama ng bala sa ulo, mga sugat sa braso, katawan at ulo.

Ang kasama ni Mellones na si Aldrin Ordo­nez, 23, vendor ay hindi nakaligtas sa ‘summary execution’ kung saan ay nadiskubre ng mga kabataang ang bangkay nito na nakasilib sa sako, sa  Block 1 Dubai, Baseco Compound, Port Area,  Maynila bandang alas-12:20 ng madaling-araw.

Isang Ricky Guinto ang nag-report sa pulisya sa biktimang nakasako na bukod sa sugat sa ulo dahil sa tama ng bala, ay napupuluputan din ng packaging tape ang bibig, nakasakal ang isang kulay itim na damit sa leeg , nakaposas ang kanang kamay habang sa kaliwa ay may nakagapos na pac­kaging tape.

Itinuro ni Mellones ang tatlo nilang kabarkada na kilala lamang sa alyas na sina Daniel Ubila, Jobert at Dennis ang responsible umano sa pag-salvage sa kanila ni Ordonez.

ALDRIN ORDO

BASECO COMPOUND

C ROD

DANIEL UBILA

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL ME

ISANG RICKY GUINTO

JAYSON MELLONES

MAYNILA

PORT AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with