^

Police Metro

Binata kinunan pa ng litrato bago dinedo

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinunan pa ng litrato ng mga suspek ang isang 22-anyos na binata bago nila ito pagbabarilin ha­­bang naghahapunan kama­kalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Nathaniel Romero ng no.024 Creekside, Pilot Drive, Brgy. Common­wealth.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi ay ku­ma­kain ang biktima sa isang ka­rinderya sa nasa­bing lugar nang sumulpot sa likuran ang tatlong la­laki at pinagbabaril ito.

Isang saksi ang nagsabi na bago ang insidente ay nakita pa niya ang tatlong lalaki na palakad-lakad malapit sa tindahan at ki­nukunan pa ng litrato ang biktima.

Ilang sandali, isa sa mga suspek  ang lumapit sa biktima at pinagbabaril ito.

Matapos ang pama­maril ay agad na umalis ang mga suspect patungo sa MRB subdivision kung saan sila huling nakitang lumabas.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Leeway, 26, na ang kanyang kapatid ay nahuli sa kasong robbery at napiit ng ilang buwan sa Batasan Hills Police Station.

Tinitingnan ng mga otori­dad kung may kinala­man sa dating kaso ng bik­tima ang pagpatay sa kanya. Narekober sa lugar ang apat na basyo at isang depormadong bala ng kalibre 38.

vuukle comment

AYON

BATASAN HILLS POLICE STATION

BATAY

BRGY

ILANG

ISANG

NATHANIEL ROMERO

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with