^

Police Metro

Jeep vs tren: 4 sugatan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -Sinalpok ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang isang pam­­pasaherong jeep na ikinasugat ng apat katao naganap kamakalawa ng gabi sa  Beata Railroad  sa Pandacan, Maynila.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Rosario Dela Cruz, 81; Aron Jayson Victoria, 15; Henry Baltogay, 28, at Carmelita Cruz, 69.

Sa salaysay ng ilang pasahero na dumiretso ang kanilang jeep dahil sa walang bantay ang PNR kaya’t hindi naibaba ang harang na nagbibigay ng signal sa mga moto­rista kung may darating na tren.

Sinisi rin ng ilang pa­sahero ang driver ng jeep na si Ernesto Luna sa sob­rang lakas ng pagpapatugtog nito ng radyo kaya’t hindi umano narinig ang busina ng dumarating na tren.

Tumakas ang operator ng tren na si Boy Ramos habang kinuyog ng mga tao  ang makinista  ng tren na si Richmond Itay at ang assistant operator na si  Angelo Coldas.

vuukle comment

ANGELO COLDAS

ARON JAYSON VICTORIA

BEATA RAILROAD

BOY RAMOS

CARMELITA CRUZ

ERNESTO LUNA

HENRY BALTOGAY

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

RICHMOND ITAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with