Sanggol, 2 pa nalunod

MANILA, Philippines - Isang pampasaherong bangka ang lumubog sa karagatan ng Brgy. Buaya, Carles, Iloilo na ikinasawi ng isang buwang gulang na sanggol at dalawang bata na­ganap kamakala­wa.

Ang mga nasawi ay kinilalang  sina Christopher Canete, 1-buwang gulang; Justine Rico, 4-anyos at Redan Rico, 2-anyos.

Patuloy namang pi­nag­hahanap ang mga na­­wawala pang biktima na sina Paolo Canete, 10-an­yos; Rachelle Rico, 6-anyos; at Auria Villarial, 60-anyos.

Habang nailigtas ang walong katao.

Sa ulat, bandang alas-4:00 ng hapon ay kasalukuyang naglalayag sa dagat ang pampasaherong bangka na sinasakyan ng 15 katao nang balyahin ito ng malalakas ng alon dulot ng masamang lagay ng panahon hanggang sa pasukin ng tubig at lumubog sa bahagi ng nasabing karagatan.

Ang insidente ay naganap habang ang nasabing bangka ay malapit na sa Brgy. Tambaliza, Concepcion, Iloilo.

Show comments