Seguridad tiniyak sa panunumpa nina Erap, Isko

MANILA, Philippines - Manunumpa ngayong araw sina Manila Mayor-elect Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno na gaganapin sa session hall ng  Manila City hall.

Dakong alas-12:00 ng tanghali ay isasalin ni outgoing Manila Mayor Fred Lim kay Estrada ang pamumuno sa  lungsod.

Tiniyak naman ni MPD officer-in-charge Sr. Supt. Robert Po ang seguridad sa gagawing oathtaking at   itatalaga ang mga pulis sa paligid ng  city hall gayundin ang mga tauhan ng traffic police  sa labas ng city hall upang maiwasan ang  pagkakabuhul-buhol ng  daloy ng mga sasakyan.

 

Show comments