MANILA, Philippines -Kung hindi pa umaliÂngasaw ang baho ay hindi matutuklasan ang bangkay ng isang limang buwan fetus na nakalublob sa urinal ng comfort room ng mga kalalakihan sa isang gas station sa Quezon City.
Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang madiskubre ng isang Doresa Olaya, 42, utility worker/caretaker ang fetus sa urinal ng Caltex gas station na matatagpuan sa Quirino Highway, Forest Hill, Brgy. Gulod NovaliÂches.
Ayon kay Olaya, magÂliÂlinis sana siya ng comfort room nang mapuna niya ang masangsang na amoy na tila nabubulok na hayop sa loob nito.
Nang kanyang inspeksyunin ay nakita nito ang fetus na nakalublob.
Ayon sa mga kawani ng gas station wala silang napunang kakaibang nangyari sa banyo o sinumang tao na pumasok sa kubeta na maaaring nagtapon ng nasabing fetus.
Ayon sa pulisya maaÂring lalaki din ang nagtapon ng fetus para hindi mahalata dahil imposibleng gumamit ng CR ang mga babae sa mga piÂnasukan ng mga lalaki.