MANILA, Philippines -Bagama’t batas na ang RA 10586-Anti Drunk and Drugged Driving Law na piÂnirmahan ni Pangulong Aquino kamakailan at nakasaad na hindi na sasailalim pa sa drug test ang mga driver na kukuha ng lisensiya kundi tanging ang mga masasangkot lamang sa aksidente ang sasailalim dito ay ayaw pa rin itong sundin ni Land Transportation Office (LTO) Chief Virginia Torres.
Ayon kay George San Mateo, Pangulo ng Pinagisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na “money making†ang drug testing kaya’t ayaw umanong sundin ni Torres ang batas at sa halip ay nagpalabas pa ito ng kautusan sa lahat ng sangay ng LTO sa buong bansa na nagsasabing ituloy ang pagsasailalim sa drug test sa mga kukuha ng lisensiya dahil wala pa daw silang rules and regulations para dito at inaayos pa ng kanyang abogado
Una rito, kinastigo ni Sen. Tito Sotto si Torres dahil sa hindi pagsunod sa nilagdaang batas ni Pangulong Aquino.