2 sundalo utas sa NPA

MANILA, Philippines -Utas ang dalawang sundalo mula sa 4th Infantry Division ng 26th Infantry Battalion matapos ang sagupaan sa pagitan ng may 15 armadong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Maliwanag, bayan ng Esperanza sa Agusan Del Sur, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Lt. Col. Leo Bongosia, spokesman ng 4th Infantry Division, nangyari ang ‘bakbakan’ ganap na alas-4:00 ng hapon.

Nabatid na nagsasagawa ng routine security patrol ang tropa ng mga sundalo nang tambangan sila ng mga rebelde NPA.

Tumagal ng 15 minuto ang palitan ng putok hanggang sa tuluyang umatras ang mga rebelde.

Matapos ang barilan ay dalawang sundalo ang nasawi na hindi pa tinukoy ang kanilang mga pangalan.

Show comments