MANILA, Philippine s- Binaril at napatay ng isang mister ang kalaguyo ng kanyang misis matapos na mabisto niya ito sa pinadalang text messages naganap kamakalawa sa Brgy. Cabugao Nuevo, San Enrique, Iloilo.
Ang nasawi ay kinilalang si John Cahinding sa tinamong mga tama ng bala sa kaniyang katawan.
Ipinagharap na ng kasong murder ang suspek na si Jun SumÂbilla, mister ng umano’y kaÂrelasyon ng biktima.
Nabatid na nagalit ang suspek sa nabasang text messages ng biktima sa cell phone ng kaniyang misis kaya nagkunwari itong siya ang nasabing ginang .
Dahilan sa palitan ng text messages matapos na magpanggap na kaniyang misis ay nadiskubre ng nasabing mister na may nangyari na sa kaniyang asawa at sa biktima.
Kinuha ng suspek ang nakatago nitong 12 gauge shotgun at lumabas ng kanilang bahay kung saan kinompronta ang susÂpek ng dumating sa lugar na itinakda niyang pagtitipanan nilang dalawa at binaril.