Lady prexy ng jeepney association, pinaslang

MANILA, Philippines -Binaril ng isang lalaki ang babaeng pangulo ng isang asosasyon ng jeepney habang ito ay naghihintay ng masasak­yang jeepney kasama ang kapwa transport leader naganap kamakalawa ng gabi sa Edsa, Quezon City.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktima na si Cristina Ventura, 56, may-asawa, pangulo ng Medsam Fe­deration of Jeepney Ope­rators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) at residente sa #125 Marabagdal St., Barangay 96, Caloocan City.

Hindi pa nakikilala ang suspek na nakasuot ng itim na jacket na mabilis na tumakas.

Batay sa ulat, dakong alas-5:50 ng hapon ay naghihintay ng masasak­yan ang biktima sa may ibaba ng footbridge ng Oliveros Edsa, Brgy. Apo­lonio Samson para umu­wi sa kanilang bahay nang biglang sumulpot ang salarin sa likuran at pi­nagbabaril ang biktima.

Sa kasalukuyan ay blang­ko pa ang pulisya sa motibo ng pamamaslang at tinitignan nila ang po­sib­leng may kinalaman sa hi­­nahawakan nitong asosasyon.

Show comments