2 magsasaka tinamaan ng kidlat

MANILA, Philippines -Nasawi noon din ang dalawang magsasaka habang malubhang nasugatan ang isa pa matapos silang tamaan ng kidlat sa gitna ng malakas na pag-ulan  habang nagsasaka sa kanilang lupain sa Brgy. Elizabeth, Marcos, Ilocos Norte kamakalawa ng hapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Donald Bineg, 35 anyos at Trinidad Tutop, 67, dahil sa ti­na­mong grabeng pagkasunog ng kanilang mga katawan.

Nasa kritikal namang kondisyon ang isa pang biktima na si Imelda Bautista, 49, na patuloy na inoobserbahan sa Marcos General Hospital.

Sa ulat bandang alas-4:30 ng hapon  sa kasagsagan ng malalakas na pagbuhos ng ulan at mga pagkulog na sinabayan ng kidlat na tumama sa isang grupo ng magsasaka na abala sa kanilang sinasakang palayan.

Masuwerte namang nakaligtas ang dalawa pang magsasaka na kasamahan ng naturang mga biktima.

Show comments