MANILA, Philippines -Bumaba ang bilang ng mga annulment cases sa bansa ang naitatala ng Simbahang Katoliko.
Ito ang inihayag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang judicial vicar ng National Appellate for Matrimonial Tribunal at dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Ayon kay Cruz, mula 10 hanggang 15 porsiyento ang binaba ng bilang ng annulment cases sa bansa sa mga nakalipas na taon.
Sinabi pa ni Cruz na karamihan sa mga mag-asawang nagnanais na maÂpawalang-bisa ang kaÂnilang kasal ay mula sa Metro Manila. Kaugnay nito ay nadismaya naman ang arsobispo dahil marami sa mga mag-asawa ngayon ay nagsasama na lamang ng walang kasal.