^

Police Metro

Mister utas sa resbak

Cristina Go Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippine s- Utas ang isang mister matapos siyang resbakan at pagbabarilin ng isang tricycle driver sa Brgy. Hugo Perez, Trece Martirez City, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Francis Abuyo, 27, may asawa resi­dente ng Purok 6, Brgy Hugo Perez ng nasabing lunsod.

Ang suspek na tuma­kas matapos ang krimen ay nakilalang si Alfredo Pega alias ‘Butsoy; 31, binata, tricycle driver, resi­dente rin ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigas­yon ni PO2 Alvin Marquez, may hawak ng kaso ganap na alas-10:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa nasabing barangay.

Una dito ay nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at pinsan ng suspek na nagnga­ngalang Chito Angcanan.

Naagrabiyado umano si Chito kaya nagsumbong ito sa kanyang pinsan at doon niresbakan ang biktima.

Nagsasagawa ngayon ng follow-up operation ang mga tauhan ng PNP sa Trece Martirez City upang madakip at mapanagot sa krimen ang suspek.

vuukle comment

ALFREDO PEGA

ALVIN MARQUEZ

BATAY

BRGY

BRGY HUGO PEREZ

CHITO ANGCANAN

HUGO PEREZ

JOHN FRANCIS ABUYO

TRECE MARTIREZ CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with