MANILA, Philippines - Protektado umano ang ilang kawani ng Bureau of Customs (BoC) ng mga pulitiko.
Ito ang ibinunyag ni Custom Commissioner Ruffy Biazon na kanyang nadiskubre matapos makatanggap ng ng liham mula sa tatlong kongresista na pumapalag sa ginawang pagsibak sa isang empleyado dahil sa anomalya.
Ayon kay Biazon na kakaiba ang naging kultura sa ahensya na hindi lang sa mataas na mga puwesto may impluwensya ang mga political backer kundi hanggang sa middle management at clerical level pa.
Sinabi pa ni Biazon na may isang dating opisyal ng ahensya ang may political map ng mga tauhan nito sa mga departamento at tinutukoy din kung sino ang kanilang mga padrino.
Plano ni Biazon na ipagbawal sa Kongresso ang pag-endorso at rekomendasyon ng mga pulitiko o matataas na opisyal ng gobyerno, sa pagkuha o pag-promote ng mga customs personel.
Nais niya maisama na ito sa customs modernization bill at kailangan maging professional ang pagkuha ng mga tauhan sa ahensya na mga tapos sa Customs administration o mga lisensyadong customs broker.