Bahay sinuwag ng trak: Mister todas, 3 sugatan

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay ang 34-anyos na si Eleazar Pejo habang tatlo ang nasugatan na kinilalang sina Maritess Arcasoda, Cercia Haplos at Anatalia Madrona matapos na masaga­saan nang suwagin ng trak ang isang bahay sa tabi ng highway sa naganap na sakuna sa Brgy. Javier, Barobo, Surigao del Sur.

Batay sa ulat, sinuwag ng Fuso Canter truck (KER538) na minamaneho ni Rogelio Mabunga ang isang bahay sa tabi ng highway ng Purok 1, Brgy. Javier  sa bayan ng Barobo matapos mawalan ng preno at sa kamalasan ay sinagasaan si Pejo na nakatayo lamang sa tabi ng highway.

Sinuwag rin nito ang bahay ng ginang na si Narita Maural na nasa tabi ng highway na kung saan ang tatlong sugatan ay pawang pasahero ng trak.

Show comments