Maid, pinatay sa saksak

MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ng hindi pa nakikilalang sus­pek ang isang maid o kasambahay sa harap ng bahay ng kanyang amo sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PO2 Romeo Niño, may-hawak ng kaso, ang biktima ay nakila­lang si Dolores Estoce, 49, may-asawa, tubong Pangasinan, at stay-in sa #7-A Alley 1, Project 6, sa lungsod.

Ayon kay Niño, si Estoce ay nakita ng isang Angela Fermil na duguang nakahandusay dahil sa mga tama ng saksak sa ka­tawan sa harap ng bahay ng kanyang amo ganap na alas-7:30 ng gabi.

Bago nito, sabi pa ng opisyal, nakita umano ni Angela ang biktima na pa­rang balisa habang nasa loob ng bahay ng among si Jacklyn Fermil.

Ilang minuto ang lumipas, nabatid na lamang ni Angela na ang biktima ay nakitang nakahandusay sa lapag at may mga tama ng saksak sa katawan.

Sa kasalukuyan, blang­ko pa rin ang mga awto­ridad sa motibo ng pamamaslang sa biktima at hindi parin batid kung sino ang may kagagawan ng krimen.

Show comments