MANILA, Philippines - Napatay sa pakikipagsagupa sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa liblib na lugar sa ClaÂveria, Misamis OrienÂtal ang isang tinyente ng PhiÂlippine Army nitong Biyernes.
Ang nasawi habang nilalapatan ng lunas sa military hospital dakong alas-7:00 ng gabi ay kinilalang si 2nd Lt. Dennis Avila, 24, tubong Tarlac.
Ang batang opisyal ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 2011 ay naÂkatalaga sa lalawigan simula ng magtapos ito sa premyadong institusyon ng militar.
Sinabi ni Army’s 4th InÂfantry Division (ID) SpoÂkesman Major Leo BoÂngosia na si Avila ay kabilang sa dalawang naÂsugatang miyembro ng Army’s 58th Infantry Battalion (IB) na nakasagupa ng mga rebelde sa hangganan ng Claveria, Misamis Oriental malapit sa Malitbog, Bukidnon bandang alas-12:00 ng tanghali kamakalawa.
Samantalang ang isa pang sugatan na kinilalang si Pfc Ales Andilong ay idineklarang nasa mabuti ng kalagayan.
Nakatakda namang ilipad lulan ng eroplano ang labi ni Avila sa Metro Manila matapos na maabisuhan na ang pamilya nito sa Tarlac sa masaklap nitong sinapit.