^

Police Metro

Batang opisyal ng army utas sa sagupaan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay sa pakikipagsagupa sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa liblib na lugar sa Cla­veria, Misamis Orien­tal ang isang tinyente ng Phi­lippine Army nitong Biyernes.

Ang nasawi habang nilalapatan ng lunas sa military hospital dakong alas-7:00 ng gabi ay kinilalang si 2nd Lt. Dennis Avila, 24, tubong Tarlac.

Ang batang opisyal ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 2011 ay na­katalaga sa lalawigan simula ng magtapos ito sa premyadong institusyon ng militar.

Sinabi ni Army’s 4th In­fantry Division (ID) Spo­kesman Major Leo Bo­ngosia na si Avila ay kabilang sa dalawang na­sugatang miyembro ng Army’s 58th Infantry Battalion (IB) na nakasagupa ng mga rebelde sa hangganan ng Claveria, Misamis Oriental malapit sa Malitbog, Bukidnon bandang alas-12:00 ng tanghali kamakalawa.

Samantalang ang isa pang sugatan na kinilalang si Pfc Ales Andilong ay idineklarang nasa mabuti ng kalagayan.

Nakatakda namang ilipad lulan ng eroplano ang labi ni Avila sa Metro Manila matapos na maabisuhan na ang pamilya nito sa Tarlac sa masaklap nitong sinapit.

vuukle comment

AVILA

DENNIS AVILA

INFANTRY BATTALION

MAJOR LEO BO

METRO MANILA

MISAMIS ORIEN

MISAMIS ORIENTAL

NEW PEOPLE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with