5 gang suspects tinodas, 2 pinugutan…
MANILA, Philippines -Limang kalalakihan na umano ay mga miyemÂbro ng isang gang ang pinagbabaril at napatay na kung saan ang dalawa rito ay pinugutan pa ng ulo ng 10 armadong suspek na nakasuot ng bonnet, na lumusob sa kanilang hideout naganap kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Bugallon, Pangasinan.
Ang mga nasawing biktima ay kinilalang sina Romel Ramoran, 38; Ernesto Ramoran, 49; RoÂnald Ramoran, 34; pawang tinadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Itinali ng plastic straps ang dalawang biktima na sina Albert Martinez, 25 at Jomer Ramoran at pinagbabaril sa paa’t kamay bago pinutulan ng ulo.
Sinabi ni Pangasinan Police Spokesman Chief Inspector Ryan Manongdo, naganap ang krimen pasado alas-12:30 ng madaling-araw sa baÂrung-barong na tinutuluyan ng mga biktima sa Brgy. Poblacion sa tabi ng Grand Royal Subdivision, Bugallon.
Nabatid na kasalukuÂyan kumakain ang mga biktima nang pasukin sila ng mga maskarado at armadong kalalakihan na agad sinunggaban at itinali ng plastic straps sina Jomer at Albert na pinagbabaril sa paa at kamay saka pinagtataga sa ulo.
Tinangka namang umaÂwat ng tatlo pang sina ErÂnesto, Ronald at Romel pero pinagbabaril rin ang mga ito ng mga salarin.
Mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa maÂlaÂmang destinasyon na siÂnamantala ang kadiliman ng paligid.
Narekober naman sa crime scene ang 16 cartridge at mga basyo ng bala ng cal 45 pistol,14 plasÂtic straps, isang baliÂsong mula kay Jomer at cell phone ni Martinez.
Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na ang mga biktima ay sangkot umano sa akyat bahay, pagÂnanakaw ng mga alagang hayop at iba pang illegal na aktibidad.
Sa tala si Romel ay minsan na ring na-convict ng korte sa kasong robbery at acts of lasciviousness pero nabigyan ng parole nitong nakalipaas na huÂling linggo ng Abril.
Malaki ang hinala ng pulisya na paghihiganti ang motibo nang pamaÂmaslang sa mga biktima na posibleng isinagawa ng pamilya na kanilang biniktima.
- Latest