Lola itinumba ng tandem

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang isang 59-anyos na lola na tindera ng balut naganap kamakalawa sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Conchita Gregorio, ng Lechugas Alley, Barangay 133, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon dakong alas-3:30 ng hapon sa Zapote St., Bagong Barrio ay gumagamit ng cell phone ang biktima nang dumating ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo at walang sabi-sabing pinaputukan ng mga biktima.

Show comments