Sotto nagbitiw bilang majority leader
MANILA, Philippines - Pagkatapos na magbitiw si Sen. Juan Ponce Enrile bilang Senate President ay nagbitiw na rin kahapon sa kanyang posisyon si Sen.Vicente “Tito†Sotto III bilang Senate Majority Floor Leader.
Ayon kay Sotto hindi masasabing “moot and academic†o wala na ring halaga ang kanyang pagbibitiw sa huling araw ng sesyon dahil tapos na ang trabaho ng mga senador sa 15th Congress.
Ang mga nag-iisip aniya na balewala ang kanÂyang pagbibitiw ay hindi nag-iisip ng kanilang trabaho.
Sinabi ni Sotto na kung walang halaga ang kanyang pagbibitiw sa posisÂyon, dapat ay ginawa na niya ito kamakalawa kasabay ng pagbibitiw ni Enrile pero mabibitin naman ang mga panukalang batas na naka-kalendaryo kahapon.
Bukod sa napagod na rin umano siya na pamunuan ang isang grupo na parang wala ng ganang pumasok at gawin ang kanilang trabaho.
Sa sesyon kahapon 14 na senador na lamang ang pumasok kabilang na ang tinatawag na “Macho bloc†na kinabibilangan nina Enrile, Estrada, at acting Senate President Jinggoy Estrada.
- Latest