Habang nagpapahinga sa kama… kidlat pumasok sa bahay, ginang patay

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 38-an­yos na si Elsa Du­mulon matapos siyang tamaan ng kidlat habang nakaupo sa kama at nagpapahinga kamakalawa sa Brgy. Lumaping, Jose Dal­man, Zamboanga del Norte.

Batay sa ulat, sinabi ni Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente sa nasabing lugar bandang alas-2:00 ng hapon.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na kasaluku­yang nakaupo sa kaniyang kama ang biktima sa loob ng silid nito nang biglang kumidlat at dumaan sa nakabukas na bintana sa bahay at minalas na nasapul ang ginang.

Nagkikisay ang ginang na nagtamo ng matitinding sunog sa katawan bunga ng insidente.

Wala namang nakitang foul play ang mga tauhan ng Regional Health Unit (RHU)  sa isinagawang post mortem examination sa bangkay ng biktima.

Show comments