Mister inutas habang papauwi ng bahay

MANILA, Philippines - Malapit sa kanyang bahay natagpuang patay ang isang 31-anyos na lalaki matapos itong pag­babarilin ng mga hindi pa kilalang suspek kahapon ng madaling-araw sa Baseco Com­pound, Port Area, Maynila.

Ang nasawi ay kini­lalang si Michael Abad, delivery boy at residente ng no. 326 Aplaya St., Block 1, Baseco Com­pound, Port Area, May­nila, na nagtamo ng apat na bala sa iba’t ibang ba­hagi ng katawan.

Sa salaysay sa pulisya ng live-in partner ng biktima na si Christine La­gumen, dakong alas-6:00 ng umaga ay nagi­sing siya sa ingay sa labas ng kanilang bahay at nakita niya na may pi­nagkakaguluhang bang­kay at nang kanyang usi­sain ay doon niya nakita na asawa pala niya ang bangkay.

Ayon pa kay Christine na dakong alas-12:30 ng madaling-araw ay ini­hatid pa siya ni Abad sa terminal ng tricycle at ban­dang ala-1:00 ay nag-text pa umano sa kaniya na nagpapaalam na may pupuntahan lamang.

 

Show comments