Tserman itinumba ng tandem

MANILA, Philippines -Sa mismong harap ng kanyang bahay pi­nagbabaril ang isang barangay chairman ng hindi pa nakilalang mga suspek na nakamotorsiklo kamakalawa sa Brgy. Limpongo, Datu Hoffer, Maguindanao.

Nasawi noon din ang biktima na nakilalang si Judito Unao, chairman sa nasabing barangay dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Batay sa ulat, bandang alas -5:00 ng hapon ay kasalukuyang nakatayo sa harapan ng kaniyang bahay ang biktima nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo na sinasakyan ng mga suspek at tumigil sa biktima at pinagbabaril.

Mabilis namang tuma­kas ang mga suspek matapos na bumulagta ang biktima at agad binawian ng buhay.

 

Show comments