4 Intsik inaresto sa loose firearms

MANILA, Philippines -Inaresto ng mga pulis ang apat na Chinese natio­nals na kinilalang sina Dennis Co, 27; Dang Hoi Yin; Lui Xin at Lei Guang Feng matapos mahulihan ng mga baril na walang lisensya sa isang checkpoint sa Brgy. V. Davila, Pasuquin, Ilocos  Norte  kamakalawa ng alas-8:30 ng gabi.

Sa imbestigasyon naha­rang ng Pasuquin Police ang mga suspek na lulan ng Toyota Previa (ZJS 818) nang dumaan sa nasabing checkpoint at nakita sa loob ng sasakyan ang dala ni­lang mga armas at bala na kinabibilangan ng tatlong MP5, 1 pietro beretta, isang caliber 40, dalawang caliber 45, isang glock 17, 9mm, wa­­long granada  PRB 423 at isang improvised explosive device (IED).

Show comments