Naaktuhan na ginagahasa… rapist ng ate inutas ni utol

MANILA, Philippines -Napatay ng isang 15-anyos na binatilyo ang isang lalaki na naaktuhang nitong nakakubabaw sa kanyang ate na pinupuwersang halayin kamakalawa sa Brgy. Bollilising, Villaviosa, Abra.

Namatay noon din ang suspek na si John Paul Bar­bero, 29, binata, empleyado ng Department of Social Worker and De­velopment (DSWD) at residente ng Brgy. Apa­paya sa bayang ito dahil sa mga tinamong taga sa iba’t ibang parte ng ka­­ta­wan.

Batay sa ulat, bandang alas-11:00 ng umaga ay  nagtungo ang binatil­yong sus­pek na itinago sa pangalang Vic sa kanilang kubol na pa­tuyuan ng tabako nang maaktuhan nito ang suspek habang sinisibasib ng halik ang kaniyang ate na itinago sa pangalang Sheena na nakikipagpambuno sa biktima na pinupuwer­sang hubaran para ga­hasain.

Si Sheena ay 21-an­yos, dalaga at isang casual employee ng Medicare Hospital ay matagal na umanong pinagpapantas­yahan ng biktima.

Nagalit ang suspek at kinuha ang itak at pi­nagtataga ang biktima na nakadagan sa kanyang umiiyak na ate.

Naaresto naman ng mga nagrespondeng pulis ang binatilyo at nare­kober rin ang itak na ginamit nito sa pamamaslang sa suspek.

Show comments