P.8-M nadale ng acetylene gang

MANILA, Philippines - Muli na namang uma­take ang acetylene gang nang pasukin ang isang money changer shop sa pamamagitan nang paggawa ng  tunnel at nata­ngay ang may P800,000 cash at tatlong shotgun naganap sa Cubao, Quezon City.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga nang matuklasan ng kawani ng Emerald Mo­ney Changer na si Rowena Agbuya sa pagbukas niya ng shop ay  nakita ang butas ng sahig.

Nagawang mapasok ng suspek ang shop na matatagpuan sa Opulent Building at Gen. Roxas Avenue kanto ng EDSA, Araneta Center, Cubao.

Sinira ng mga suspek ang vault na kinalalagyan ng pera at iniwan ng mga suspek ang  dalawang hydraulic jacks.

Nagtataka ang pulisya kung paano nalusutan ng mga suspek ang limang sekyu na nagpapalitan ng kanilang duty na hindi napuna ang kakaibang nangyayari sa paligid ng gusali.

Show comments