NERBAC 12: Trabaho dadami at posibilidad ng mga negosyo, tiyak sa industriya ng pagmimina
MANILA, Philippines - Ikinukonsidera ng National Economic Research and Business Action Center (NERBAC) sa Region 12 na malaÂking tagalikha ng posibilidad sa pagnenegosyo at oportunidad sa mga trabaho ang industriya ng pagmimina sa Mindanao.
Binanggit ni NERBAC 12 Officer Vanessa Plene ang 10 lokal at kompanyang multi-nasyonal sa rehiyon sa pangunguna ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI) na namamahala sa $5.9 bilyong Tampakan Copper-Gold Mining Project ng gobyerno sa ilalim ng Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA). Ayon kay Plene, bukod sa lilikhaing mga trabaho ng SMI ay magkakaroon ng oportunidad sa pagnenegosyo bilang suporta sa kompanya at magkakaroon din ng malaking pangakong pang-ekonomiya sa mga negosyante at maging sa maliliit na entreprenor.
Tinukoy ng NERBAC ang apat na pangunahing lugar na lilikha ng kita at trabaho bilang suporta sa pagpasok ng pamumuhunan kapag nagsimula na ang SMI sa operasyon nito.
Ang paggawa ng basahan, produksiyon ng T-shirt, babuyan at vermiculture o pagpaparami ng bulati para sa produktong pataba ay kabilang sa mga negosyong mapalalakas kapag nagsimula ang operasyon ng pagmimina.
Batay sa project brief ng NERBAC, sa paggawa pa lamang ng basahan at produksiyon ng T-shirt ay kikita na ng P11,000 hanggang P21,000 kada buwan na maikokonsiÂderang mataas sa karaniwang buwanang kita kada buwan sa lalawigan. Ang pagbababuyan at vermicast production naman ay susuporta sa produksiyon ng pagkain na inaasahang lalakas kapag dumagsa ang mga manggagawa sa rehiyon.
- Latest