MANILA, Philippines - Pinaplano ng QC government na rentahan ang mga nagsarang private schools sa lungsod upang maging extention ng mga public schools.
Ito ang nakikitang paraan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte para madagdagan ang mga silid-aralan na magagamit ng mga mag-aaral sa oras na kulangin ang espasyo ng paraan sa lumulubong bilang ng mga mag-aaral sa QC bawat school year.
Ayon pa kay Belmonte, bagamat kumpleto na ang mga silid aralan sa pasukan sa Hunyo hindi mawawala ang pangamba nila na kulangin pa rin dahil sa taun-taon ay nadaragdagan ang bilang ng mga estudyante.
Nabatid na higit na dumami ang bilang ng mga nag-enroll na sa mga public schools sa QC dahil sa mga mag-aaral na nadagdag mula naman sa mga private schools na hindi na nakayanan ng kanilang mga magulang ang matrikula.
Una nang inanunsyo ng pamahalanag local na nakumpleto na ang pagtatayo sa 4 na bagong paaralan na may 60 silid aralan para matiyak na may sapat na silid-aralan ang mga estudyante sa pasukan sa June 3.