^

Police Metro

8 Pulis utas sa NPA ambush 7 malubhang nasugatan…

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang walong pulis na miyembro ng Special Action Force (SAF) habang pito ang malubhang nasugatan nang  pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa naganap na ambush kahapon ng umaga sa hangganan ng Brgy. Cataratan at Brgy.Centro West, Allacapan, Cagayan.

Kinilala ang mga nasawing sina PO3 Vladimir Tabajero, PO3 Dexter Cobilla, PO1 Eric Brioso, PO2 Angelbert Mateo, PO2 Elmart Rodney Bay, PO1 Jerome Sandeng Pi­nated, PO2 Jaime Powat at PO2 Ronald Castulo.

Mabilis namang isi­nugod sa Ballesteros District Hospital ang mga nasugatan sina PO2 Ro­nald Gomez, PO1 Ephrain Doleto, PO2 Jeopano Adang, PO1 Ryan Asciano, PO2 Ricky Monay, PO2 Joefrey Amilagan at PO2 Joefrey Eliseo.

Batay sa ulat ni Chief Supt. Rodrigo de Gracia, Director ng Police Regional Office (PRO) 2 Director, bandang alas-8:30 ng umaga ay bumabagtas sa nasabing lugar ang police vehicle na sinasakyan ng 15 SAF personnel ng 24th Special Action Company sa pamumuno ni Tabare­jo para sumalang sana sa medical examination nang paulanan ng bala ng tinatayang nasa 30 re­belde.

Matapos paulanan ng bala ay mabilis na nagsi­takas ang mga rebelde pa­tungo sa direksyon ng kagubatan.

Ipinag-utos na ni De Gracia ang malawakang hot pursuit operations laban sa grupo ng mga rebeldeng NPA na nanambang.

Nabatid na ito na ikalawang dagok sa security forces matapos ang madugong pananambang sa Sulu noong Sabado na ikinasawi ng pitong tauhan ng Philippine Marines, siyam pa ang nasugatan habang sa hanay ng mga bandido ay tumaas na sa pito ang nasawi habang sampu naman ang naitalang nasugatan.

 

ANGELBERT MATEO

BALLESTEROS DISTRICT HOSPITAL

BRGY

CENTRO WEST

CHIEF SUPT

DE GRACIA

DEXTER COBILLA

ELMART RODNEY BAY

PO2

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with